Wednesday, August 11, 2010

KAHAPON





ala-ala ng kahpon bkit nagbabalik
pilit kinakalimutan at nagsisimulang muli
ngunit bakit sa tuwing ako ay babangon
sumusunod ang anino ng kahapon

ayoko na uling malulong sa lungkot ng kahapon
ngunit bakit itong isip at puso ko ang hirap pa ring kontolin
nasasaktan lang palagi sa mga ala-alang nagbabalik
at tanging luha na lang ang aking nababatid

ang sabi nga sa aking nabasa
tayong mga tao ay produto ng kahapon
ngunit huwag tayong dito ay pakulong
pagkat galit ay mabubuo at tataglayin ng ating puso

ang masasakit na nakaraan, pano nga ba malilimutan?
paano ba aalisin sa puso at isipan?
sapat na bang paraan
na ang atensyon sa iba ay ibaling
ngunit pag mag-isa.. sakit n nararamdaman unti unti n nmng bumabalik


-=ANDHY ANN=-
august 9, 2010
10:20am

SALAMAT SA REGALO AT INSPIRASYON





sa bawat letra na ating sinusulat
nakakabuo ng makahulugang salita
na nagbibigay sa iba ng tuwa
ngunit para sa iba ay parang patalim na humihiwa

sa bawat salitang pinagtugma tugma
nakabuo ng simpleng tula
mga simpleng salita na walang laman
pero pag pinagsama sama nagkkron ng kahulugan

may mga taong nging gabay sa ating buhay
na habng buhay nating pasasalamatan
at tatatak na sa ating isipan
kahit dumating pa ang panahon na tayo ay kanilang iwanan

mga taong kahit sandali mo lang nakilala
ngunit sa kakayahan mo ay naniwala sila
at pinilit ilabas ang talentong taglay
at sinuportahan ka, hanggang pagsikat ng araw

simpleng salitang kaya mo yan
pinaghuhugutan ng lakas ng kalooban
at pag nakabasa ng mga papuri
umaabot hanggang batok ang ngiti

ngayon masasabi ko, ako nga ay talentado
pagkat ang Panginoon sa akin ito ay ineregalo
at pag-iigihan ko hanggang kaya ko
upang makapagbigay ng saya sa puso ninyo.

Salamat sa inyo , kayo ang inspirasyon ko
kung hindi dahil sa mga papuri baka itinigil ko na ito
ngunit dahil inyong nagustuhan
ipagpapatuloy ko ang nasimulan

nawa ay gabayan ng Poong Maykapal
ipahiram p sa akin itong talentong taglay
upang marami pang maisulat 
na puno ng pasasalamat.

salamat Panginoon, salamat..

ILOVEYOU all.. salamat po uli..

-=shandyl ann=-
august 5, 2010
1:45am

KALYO, BATO, YELO = MANHID





bkit nga ba may mga taong walang pakiramdam
manhid kung tawagin ng karamihan
sila nga ba ay totoong walang nararamdaman
o isinarado lang ang puso at isipan?

ano nga ba ang dahilan ng kamanhidan?
eto ba ay dahil sa natural na katangahan
o dahil sa mga bagay a pinagdaaanan
kaya pinili na lang na ang puso ay saraduhan

kalyo, Bato at yelo, mga tingin sa manhid
Kalyo dahil sa kapal ng balat,
wala ng pakiramdam kahit maglakad ng yapak
Bato dahil kahit anong pakulo ang gawin mo, matigas p rin ito
at ang puso ay sing lamig na ng yelo

ngunit ano pa man ang ihalintulad mo
ang lahat naman ng yan ay may katapat
matagal na babad sa kalyo, lalambot din ito
kahit ang bato may katapat na martilyo
ang yelo naman ay walang magagawa sa apoy

kaya lahat ng manhid ay may katapat
at pag ito ay nakita tyak walang kahirap hirap
at kahit ang manhid na walang pakiramdam 
ay tatamaan din pag pinagtyagaan..

-=shandl ann=-
august 3, 2010
6:24 pm



PS: photo from billy's folder

SABI SABI







damdaming pinipigilan, sarili ang pinahihirapan
sa bawat sakit na nararamdaman
tanging sarili lang ang kanlungan
dahil di naman lahat ng tao ikaw ay naiintindihan

may mga bagay n mabuting itago na lang
kesa ipaalam mo sa mga taong nasa kapaligiran
dahil hindi mo alam. baka pinagtatawanan ka lang
at sabihin pa, mga sinasabi mo ay walang nmng saysay.

at kung di na kaya, sige sabihin mo lang
pero siguraduhin mo pagssasabihan ay mapagkakatiwalaan
dahil hindi mo namamalayan
ikaw na ang TALK OF THE TOWN.

-=shandyl ann=-
August 2, 2010
5:44pm

TAMA o DAPAT







paano bang masasabi na ang pag-ibig ay tunay?
at kelan ba natin dapat ipaglaban
sapat bang dahilan na tayo ay nagmamahalan?
upang ang kaligayahan ay ating makamtan

ngunit kung itutuloy, pagibig na nararamdaman
aking tanong sa sarili ito ba ay may patutunguhan
gustong gusto kong ikaw ay ipaglaban
ngunit maraming damdamin ang nakasalalay

sa mata ng ibang tao ito ay kasalanan
at ang isip ko ito ay sinasang ayunan
ngunit ang puso ko pilit n lumalaban
at ang nararamdaman ang nangingibabaw

magiging tama pa ba, kung simula pa lang ay mali na
at magiging dapat pa ba, kung ang hadlang ay sang katerba
Pagkakataon natin ay salang sala ng bongga
Pagkat kahit anong pilit talagang di na kaya

ipagpapatuloy ba ang aking kahangalan
o ipaglalaban ko ba kung anu ang nararamdaman
ngunit paano na ang ibang masasaktan
Di rin nmn ako mgiging masaya, dahil sa kasakiman.



-=andhy ann=-
july 31, 2010
1:30am

TIWALA





Ang relasyon di lang pag-ibig ang pundasyon
Hindi lang sapat ang salitang mahal kita
Dapat mayron ding tiwala sa kapareha
Upang lalong tumatag ang samahan

Malayo o malapit man ang inyong pagitan
Dapat pag talikod mo di mo xa pag iisipan
Nang mga bagay na wala namang katuturan
Pagkat ito ay makakasira lamang

Hindi mali ang magselos pero mali ang mambintang
Alamin mo muna ang mga bagay bagay 
Para may sapat kang basehan
Dahil baka sa bandang hul mapahiya ka lang

Hindi sapat na basehan ang isang bagay lamang
Damihan mo para may sapat kang katibayan
Para pag pinakita mo sa kinauukulan
Ikaw ay paniniwalaan at di pagtatawanan

Ang mga ganitong pagkakataon 
Nakakawala ng gana maghapon
Dahil di lang naman ikaw ang naabala
Pati naman ang iba nadadamay pa

-=Shandyl Ann=-
July 15, 2010
11:30am

NAKARAANG WALANG KINABUKASAN






Aking binabalikan ang nakaraan
Masasayang ala-ala at pinagdaanan
Ngayon ay nagtatanong kung ito ay nasaan
Pilit inaalala kung ano ang pinagmulan.

Sa paglipas ng panahon
Maraming ala-ala ang naipon
Ngunit marami ring naiwang tanong
Na naglalaro sa isipan ko ngayon.

Tulad ng ala-ala sa piling mo
Anong saya pag ikaw ay kasama
Walang problemang inaalala
At walang sakit ang di kinakaya

Ngunit s isang iglap
Ikaw ay nawala ng walang malinaw na paliwanag
Na hindi ko akalaing mangyayari ni sa hinagap.

Ano nga ba ang dahilan ng iyong paglisan
Dumating na lang ang isang araw at aking nabalitaan
May iba ng tao na sa iyo ay nagpapaligaya
At hindi na ako ang gusto mong makasama

Nasaktan ako ng lubusan 
At umiyak ng ilang gabing nagdaaan
Pilit iniisip ano ang pagkukulang
At bigla ko naalala, ako nga pala ay isang kaibagan lang

Wala ako kahit konting karapatan na ikaw ay pigilan
Dahil ang meron lang nmn tayo ay Magulong Usapan
Kaya ang tanging nagawa ko ay lumayo at lumisan n lamang

Sa aking paglayo, nagkaron ako ng sariling buhay
At ikaw ay gayundin naman
Ngunit nagulat na lang ako isang araw
Nagkasalubong Na lang kita sa daan

Hindi maipaliwanag kung ano ang nararamdaman
Saya, takot at iba’t ibang pakiramdam
At sa pagkukwentuhan
Mga hinanakit ng nakaraan ay lumisan
At bumalik muli ang dating samahan

Masasayang tawanan at walang katapusang bidahan
Mga yabanagang walang katuturan
At pagbabago ng bawat isa di mabilang
Ngunit nagsusumigaw ang masakit na katotohanan

Mayroon na tayong mga sariling mundo
Ngunit hanggang ngayon parte ka pa rin ng buhay ko
Andito ka pa rin sa puso ko
Hindi ko alam kung bakit at paano

Hindi nmn kayabangang matuturing
Ngunit nararamdaman ko, na ikaw ay ganon din
Ngunit san ba patungo ang usapang ganito
Hindi na naman maari kahit baligtarin ang mundo

Ang ating nakaraan, siguro hanggang doon na lang
Dahil hindi na talaga pwedeng ipagpilitan
Mamimili na lang kung itutuloy ng pagkakaibigan
O lalayo na lang upang hindi na magkasakitan

Ngayon gulong gulo ang aking isipan
Importante ka sa akin, ngunit ayoko ng masaktan
Hindi lang damdamin natin ang basehan
Marami ng damdamin ang nakasaalang alang

Sana ako ay tulungan ng Paginoong Maykapal
Maging malakas at makaiwas sa kaguluhan
Hindi ko to ginusto pero nangyayari
Iisipin ko n lang na isa tong pagsubok 
Upang tingnan ang aking katatagan

-=Shandyl Ann=-
July 14, 2010
11pm