Wednesday, August 11, 2010

IF I ONLY KNEW








Ang buhay ng tao, di nawawala ang tanong
Sa bawat sagot, gumagawa ng desisyon
Sa bawat desisyon laging kaakibat ang aksyon
At sa bawat aksyon, responsibilidad ang nakapatong

Minsan tayong mga tao hindi nag iisip
Sige lang ng sige walang pag aatubili
Hindi namamalayan ginagawa na ay mali
Hanggang magigising na lamang na nagsisissi.

Habang nag muni-muni hindi maiwasang magalit
Sinisisi ang iba tao o di kaya’y ang sarili
At pag napagtagni-tagni bawat pangyayari
“Kung alam ko lang” ang tanging masasabi

Totoo ang kasabihang ang pagsisisi laging nasa huli
Ngunit tama ba na sirain ang sarili
At kung minsan, ang pagkakamali sa iba isisi
At ipilit ilayo ang sarili.

Mga bagay na nawala, din na kayang ibalik
Masasakit na ala-ala ating kalimutan
Bagkus dalhin na lamang ang aral na inihain
Upang pagdating ng panahon ay may makain.

Walang sinuman ang nakakaalam
Ano nga ba mangyayari kinabukasan
Kaya wala ring saysay na sabihing “kung alam ko lang”
Dahil hindi mo na maibabalik ang nakaraan.

Kung alam ko lang… sana hindi na lang
Mga salitang nababanggit pagkatpos ng ulan
Ngunit bkit di natin maisip, bawat patak may kahulugan
Pagsubok at aral mula sa Diyos ang laman.

ANDHY ANN 

march 25, 2010




1 comment:

Anonymous said...

ganda nito parang tinamaan yata ko d2,make it more,ur the best.mwa mwa