Wednesday, August 11, 2010

SELOS SA KAIBIGAN






Ang tunay na kaibigan, wala daw iwanan
Sa lahat ng bagay laging nagkakaintindihan
Malayo man sa isa't isa, hindi hadlang ang distansya
Upang maputol ang masayang samahan nila

Ngunit hinid sa lahat ng oras kayo ay magkasama
Sa kanyang pag-iisa, pag-ibig na hinahanap ay nakita
Nagkaroon na rin siya ng bago nyang tropa 
Ang pag-uusap nyo ay dumadalang na
At sa mga gala di na nakakasama

Sa mga ganitong sitwasyon
Ang selos at tampo ay may puwang ba
May karapatan ka bang magalit sa kanya
O susuportahan mo siya kung san siya masaya?

Masaya siya, eh ikaw ba?
Atensyon niya nabaling na sa iba
Pagkakaibigang inalagaan, unti unnting nasisira
Unti-unting lumalayo hanggang tuluyang mawala

Dapat bang pagselosan ang syota ng kaibigan
O dapat ba ay pkisamahan na lang
Paano kung ugali ay di kagandahan
Ipaglalaban mo ba o hahayaan mo na lang?

Sa ating mga kaibigan tayo nga ba ay may karapatan?
Ang kanilang desisyon dapat bang panghimasukan
Ang maliliit na bagay at tampuhan dapat bang pag ukulan
O hayaan n lang mangyari ang mga bagay-bagay??

Sa buhay ng kaibigan, san nga ba ang tamang lugar
Sa puso ba niya o sa isip lamang
May limitasyong bang dapat tingnan
O gawin n lang ang nais
at hindi namamalayang nagkakasakitan

Hahayaaan bang selos ang mangibabaw
At unti unting kalimutan matagal n pinagsamahan
Mga katanungang gumugulo sa isipan
Katanungang di mahanap ang ksagutan


-=Andhy Ann=-
july 12, 2010 
10:10pm

No comments: