ang pagsulat pala, ay nasa dugo tlaga ng mga batang
akala ko noon ay isa laang akong emosyonal,
ngayon ay napagtanto ko, ito pala ay talentong natural
na nanalaytay sa dugo ng matatapang.
sa pagsasama sama ng mga salita
makakabuo ng kwentong nkakatuwa
minsan nakakaiyak, nakakaiyamot
at malimit ay may aral na napupulot.
Masarap magsulat lalo na kung galing sa puso
Lahat ng nararamdaman nailalabas mong lahat
Mga salita sa isip ay parang ilog na dumadaloy
sa pagsusulat kamay ay di magkaintindhan.
SA pagsusulat nassabi mo sa lahat
pag may naklimutan pwede mo balikan
pag nagkamali pwede burahin at palitan
At higit sa lahat pwede mong ipagpaliban
hindi katulad ng pkikipag usap
may mga salitang hindi mailabas,
natatakot makasakit o kaya ay mapahiya
kaya mananahimik n lang at tutunganga
ang buhay di mo pwede ikompara sa pagsusulat,
pero ang pagsusulat at ang buhay ay magkaakibat.
ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay pwede mo isulat
baka makabuo k p ng isang aklat at makapgbago sa buhay ng ilan.
andhy ann
april 21 2010
No comments:
Post a Comment