Salamat sa iyo aking ina
Sa patnubay at gabay sa amin twina
Pagkakaloob ng pagmamahal na walang kapantay
Iginugol ang buong buhay sa amin inilaan
Tinaguyod mo kami, pinalaki ng mabuti
Katulong ng tatay upang mapaganda ang aming buhay
Naghirap at nagtiis nang mapalayo ang tatay
At nagtrabaho sa ibang bansa para sa ating kinabukasan
Tumayong ama’t ina, kasa kasama gang sa paghimbing
Nung bata pa ako, palaging may tampo
Mga gawaing bahay, sa akin iniuutos
Bkit ako, ako na lang ng ako
Dahil sa isip ko, ako ay batang musmos
Sa galaan ng barkda hindi nakaskasama
DI pinapayagan sa di maintindihang dahilan
Kaya naman pinagsisimulan ng ating tampuhan
At ilang araw na hindi natin pag iimikan
Sa ating pananahimik, nagiisip isip
Nagpapakiramdaman kung sino ang unang bibigay
Ngunit kahit kelan d ako nagtagumpay
At tumanim sa utak at puso ang salitang sinambit
“Ina ka at Anak ako”
Limang salita na puno ng laman
Lahat ng gusto mong sabihin don nagsiksikan
Sa isang igllap bigla akong natauhan
At naintindhan mga bagay bagay.
Salamat inay sa iyonng paggabay
Kung ano ako ngayon, ikaw ang dahilan
Hindi maabot ang kinalalagyan
Kung hindi sa mabuting pusong iyong tinataglay
Bilang mga anak masasabi kong ako'y mapalad
Na magkaroon ng magulang na walang katulad
Nagpapasalamat sa Diyos n lumikha
Kayo ang napili na aming taga pag-aruga
Ugaling tinataglay sa iyo natutunan
Mga pangaral, nagsilbing gabay ng aking buhay
Sa buong mundo ipagmamalaki ko
Ako ay mabuting tao dahil sa iyo
Pagmamahal at pagsasakripisyo iyong binigay
Hindi mapapantayan na kahit na anong bagay
Bigyan man kita ng sampung lupa at bahay
Di parin sapat kaya sasamahan ko ng taos pusong pagmamahal
Pwede kong yabangan kahit na sino, ngunit hindi sa iyo
Wala akong maipagmamalaki, dahil sa iyo ito ay utang ko
Salamat po inay, salamat, salitang bibigkasin habang buhay
Pagmamahal ko sa yo dala ko dito sa puso ko..
Tanging dalangin sa Maykapal
Ikaw ay bantayan at laging gabayan
Ipahiram ka pa sa amin nang matagal
Upang makasama sa lahat ng galaan
HAPPY MOTHERS DAY INAY..
ILOVEYOU PO..
andhy ann
may 8, 2010
No comments:
Post a Comment