Wednesday, August 11, 2010
EXPECTATIONS ( i salute all the parents)
Sa aking pagbabasa ng kwento ng iba
Marami akong natutunan at nauunawaan
Mga bagay na nagbibigay ng saya
Minsan naman ay mapapaiyak kang talaga
Isa sa mga kwentong gustong gusto ko
Ang liham ng isang anak sa magulang nito
Kung paano ipahiwatig ang pagmamahal kay inay at tatay
Mga salitang binibitawan, nakakaiyak ngang tunay
Salamat sa inyo. Mahal ko kayo
anim na salita n puno ng laman at kahulugan
Hindi man natin malimit sabihin sa magulang natin
Pero alam kong ramdam nila ang ating damdamin
"Alam kong mataas ang expectation nyo sa akin"
Isa pa sa mga salita ang malimit kong mapansin
At kahit sa sarili ko, malimit ko ring sabihin
Lalo na kung may bagay o pangyayaring hindi inaasahan
Ngunit natanong ko rin, totoo nga ba ang iniisip ko
o ako lang mismo ang nagsasabi nito?
Dahil may mga nangyayari at napagtanto ko
Mahal ako ng magulang ko, sino o ano man ako
Hindi mataas ang ekspektasyon nila sa atin
ang nais lang nila tayo ay mapabuti
upang pagdating ng panahon, tayo ay may masabi
At ang buhay natin ay mapaigi
Ano man ang ginagawa o sinasabi nila
Ito ay para sa atin at hindi sa kanila
Walang hinangad ang mga magulang kundi kabutihan
Para sa mga anak na kanilang mahal
Alam kong hindi ko pa naranasan maging magulang
Kaya maaring sabihin na ako ay walang basehan
Ngunit ang pagmamahal na aking narramdaman
Ay natutunan ko sa aking mga magulang
Mga pangaral na ibinigay, ngayon ay siyang gabay
At nagsisilbing liwanag sa panahon ng kadiliman
kaya alam kong wala pabigat ang iniatang nyo sa aking balikat
Pagkat alam kong katulong ko kayong bumubuhat.
Sa lahat ng magulang, saludo ako sa inyo
mabibigat n responsibiladad ay nakakayo nyo
at sa mga anak na katulad ko
Hindi nila tayo pinapatungan ng mabigat na bato.
-=Andhy Ann=- ^_^
july 12, 20102:36 am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment