Wednesday, August 11, 2010

KAHAPON





ala-ala ng kahpon bkit nagbabalik
pilit kinakalimutan at nagsisimulang muli
ngunit bakit sa tuwing ako ay babangon
sumusunod ang anino ng kahapon

ayoko na uling malulong sa lungkot ng kahapon
ngunit bakit itong isip at puso ko ang hirap pa ring kontolin
nasasaktan lang palagi sa mga ala-alang nagbabalik
at tanging luha na lang ang aking nababatid

ang sabi nga sa aking nabasa
tayong mga tao ay produto ng kahapon
ngunit huwag tayong dito ay pakulong
pagkat galit ay mabubuo at tataglayin ng ating puso

ang masasakit na nakaraan, pano nga ba malilimutan?
paano ba aalisin sa puso at isipan?
sapat na bang paraan
na ang atensyon sa iba ay ibaling
ngunit pag mag-isa.. sakit n nararamdaman unti unti n nmng bumabalik


-=ANDHY ANN=-
august 9, 2010
10:20am

No comments: