Wednesday, August 11, 2010
KALYO, BATO, YELO = MANHID
bkit nga ba may mga taong walang pakiramdam
manhid kung tawagin ng karamihan
sila nga ba ay totoong walang nararamdaman
o isinarado lang ang puso at isipan?
ano nga ba ang dahilan ng kamanhidan?
eto ba ay dahil sa natural na katangahan
o dahil sa mga bagay a pinagdaaanan
kaya pinili na lang na ang puso ay saraduhan
kalyo, Bato at yelo, mga tingin sa manhid
Kalyo dahil sa kapal ng balat,
wala ng pakiramdam kahit maglakad ng yapak
Bato dahil kahit anong pakulo ang gawin mo, matigas p rin ito
at ang puso ay sing lamig na ng yelo
ngunit ano pa man ang ihalintulad mo
ang lahat naman ng yan ay may katapat
matagal na babad sa kalyo, lalambot din ito
kahit ang bato may katapat na martilyo
ang yelo naman ay walang magagawa sa apoy
kaya lahat ng manhid ay may katapat
at pag ito ay nakita tyak walang kahirap hirap
at kahit ang manhid na walang pakiramdam
ay tatamaan din pag pinagtyagaan..
-=shandl ann=-
august 3, 2010
6:24 pm
PS: photo from billy's folder
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment