Wednesday, August 11, 2010

KAIBIGAN

Madaling humanap ng kaibigan,Pero hindi ang mapagkktiwalaan
Madaling humanap ng makakasama,Pero hindi pang matagalan
Sa madaling salita, di madaling maghanap ng taong pang habang-buhay.

Sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago
Pwedeng kasama mo sya ngaun, pero hanggang kelan?
Pwedeng kaibigan mo sya ngaun, ngunit maaring kaaway pag dating ng panahon.

Kaibigan ano nga ba ang iyong kahulugan?
Ikaw ba ay isang salita lamang na walang laman?
Sabi nga nila, ang kaibigan hindi tao lamang
Taong magkkaiba ngunit nagkasama-sama
Nagkakwentuhan at ang bawat isa ay nakilala.

May mga kaibgan na simula pagkabata ay kasama
Sa murang isipan, ang nais ay simpleng kalaro lang
Hanggang nang magkaisip, sya pa rin ang kapiling
Pag may problema, sya ang takbuhan

May mga kaibigan na nkilala ng sandaling panahon lamang
Sa di malamang kadahilanan, agad na pinagkatiwalaan
Sa pakikipagkwentuhan hindi namalayan,
sekretong tinatago kanyang nalaman

Ano man ang kahulugan ng salitang kaibigan
Ano mang kwentong pinagmulan
Mahaba man o maiksing pinagsamahan
Ang mahalaga sa huli hindi ka niya iiwan.


ANDHY ANN - nov 2009

2 comments:

arriane said...

so touching..:) nice one..

Andhy Ann said...

wow.. thank you for the comment.. ngaun ko lang uli naopen ang log ko