Wednesday, August 11, 2010

IKAW AY ISANG BABAE, IKAW AY ISANG INA


Ikaw ay babae na puno ng pangarap
Babaeng pagmamahal ang laging alay
Nangangarap hindi para sa sarili
Kundi para ang mga anak ay mapaigi

Ikaw ay isang babae na walang katulad
Handang ibigay ang lahat lahat
Kahit walang matira para sa sarili
Basta sa anak sige lang ng sige

Babaeng matapang handang mkipaglaban
Itataya ang buhay para sa anak na minamahal
Ikaw ay isang babae na dakila
Walang makakapantay sa iyong ginawa.

Ikaw ay babae na dapat parangalan
Daig mo pa ang bayani sa sa iyong tinuran
Isinakripisyo hindi lang ang pangarap
Kundi ibinigay pati ang buhay

Ikaw ay isang babaeng di pangkaraniwan
Espesyal k n tinuringan
Ikaw ay naging instrumento upang makpaglabas ng buhay
At maipamalas ang taos pusong pagmamahal

Sa iyo isang ina, ako ay saludo
Hanga ako sa katatagan mo
Kaya isang panalangin ang aking regalo
Nawa ikaw ay gabayan ng Poong Maykapal.

by: SHANDYL ANN
may 8, 2010

No comments: